(NI BERNARD TAGUINOD)
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Basilan Rep. Mujiv Hataman sa pagkamatay ng tatlong dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na assets ng militar laban sa nasabing bandidong grupo sa kamay ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Hataman, malaking epekto ang pagkamatay sa pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuluyang burahin ang ASG sa pagkamatay ng mga assets na sina Aljan Mande, Jamsid Mande and Radjak Ammah.
“The three military assets are returnees from Abu Sayyaf. Tinalikuran nila ang buhay bandido para bumalik sa kanilang mga komunidad at tumulong sa gobyerno. They are even helping us convince members of the Abu Sayyaf to surrender and live normal lives as citizens,” ani Hataman,
Magugunita na noong Biyernes, Agosto 3 ng madaling araw ay ni-raid umano ng 84th Seaborne Special Action Forces at NBI ang bahay ni Mande sa Sitio Kasanyangan, Barangay Candiis sa Hadji Muhammad Ajul, Basilan.
Dito napatay ang tatlo na malaki umano ang naitulong sa pagsisikap ng security seguridad sa Basilan ng mga military at mga local government units (LGUs) na labis na ikinadismaya ng dating gubernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Lumalabas na hindi umano nakipag-koordinasyon ang PNP at NBI sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing lalawigan nang isagawa ang mga ito ang raid sa bahay ng mga military assets.
“This will surely have an impact in our security campaign,” ani Hataman kaya inihain nito ang House Resolution (HR) No. 210 para paimbestigahan sa House committee on public order ang safety anng nasabing insidente.
Naiwasan sana aniya ang insidente kung nakipag-ugnayan lang ang PNP at NBI sa military sa kanilang operasyon upang malalam kung sino ang kalaban at kakampi ng gobyerno.
“Marami na tayong mga panalo laban sa masasamang epekto ng terrorismo. Sana wala nang ganitong mga pangyayari na nagtatanggal ng kumpiyansa ng mga tao sa gobyerno. We should be careful and we should not take this lightly,” ayon pa kay Hataman.
287