PAGKAMATAY NG OPISYAL IGAGANTI NG PNP

pnp1

NANGAKO si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na maglulunsad ng mga pag-atake laban sa mga miyembro ng New People’s Army na nakapatay kay P/Capt. Efren Espanto Jr.

“We will seek revenge, and they (rebels) should hide already because revenge will be sought by the Philippine National Police and I will be true to that word,” pahayag ni Gamboa.
Ginawa ng PNP Chief ang pangako sa kanyang pagdalaw sa labi ni Espanto sa Camp Delgado sa Iloilo City nitong Sabado.

Si Espanto, 29, tubong La Carlota City ang team leader ng Western Visayas Regional Mobile Force Reconnaissance Company na nasawi sa 15 minutong engkwentro laban sa mga NPA nitong Feb. 12 sa Aglobong Village, sa bayan ng Janiuay makaraang mapuruhan sa kanang mata.

Gayunman, sinabi ni Gamboa na ipauubaya niya kay P/BGen. Rene Pamuspusan, Director ng Police Regional Office (PRO 6) ang deployment ng mga tauhan para maging specific sa kanilang target at hindi masayang ang kanilang logistics. NICK ECHEVARRIA

96

Related posts

Leave a Comment