PAGLALANTAD NG MGA NARCO POLITICIAN OK SA PNP

PNP

BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police sa plano ng Department of Interiors and Local Government (DILG) at maging ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilantad ang mga pangalang nakapaloob sa hawak nilang narco-list bago magsimula ang campaign period para sa midterm elections.

Ayon kay PNP Police General Oscar Albayalde suportado ng kanilang organisasyon ang paglalabas ng listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Ito ay sa kabila ng paalala ng Commission on Human Rights (CHR) na magdahan-dahan ang DILG, PDEA at iba pang ahensiya na may hawak ng listahan sa kanilang planong pagsasapubliko ng mga pangalan nito.

Nilinaw naman ni Albayalde, bago ang nasabing pagsasapubliko ay magkakaroon umano ng masusing beribikasyon at properly validated bago expose ang kakikilanlan ng mga sinasabing narco politician.

Senegundahan ni Albayalde ang mitihiin ni Interior Secretary Eduardo Año na karapatan ng mga botante na makilala ang mga politikong sangkot sa illegal drug trade at maghalal ng law abiding candidates.

Samantala iminumungkahi naman ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mas makabubuti kung isang inter-agency task force ang mangangasiwa sa planong pagsasapubliko ng narco-list.

Sinasabing may hawak ding listahan ng mga narco politician ang Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines at National Intelligence Coordinating Agency, PDEA at PNP Directorate for Intelligence .

Naniniwala umano ang ilang opisyales ng PDEA na mas mainam na sampahan na lamang ng kaukulang kaso ang mga pulitikong nakapaloob sa listahan hawak ng mga nasabing ahensiya matapos na sumailalim ang mga ito sa validation.

Una nang tinutulan ng CHR at maging ng Comelec ang planong paglalabas ng narcolist dahil unfair umano ito sa mga politiko.JESSE KABEL

5

Related posts

Leave a Comment