PAGLIKHA NG DEPARTMENT SA OFWs, LUSOT SA HOUSE PANEL

ofws

(NI ABBY MENDOZA)

LUSOT na sa House committees on Government Reorganization at House Committee on Overseas Workers Affairs ang panukalang paglikha ng Department of Filipino Overseas and Foreign Employment (DFOFE), ang kagawaran na para sa overseas Filipino workers.

Matatandaan na ang paglikha ng departamento na tututok sa mga pangangailangan ng mga OFW ay isa sa priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan binanggit niya ito sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

Ang panukala ay consolidated ng 39 bills na inihain sa Kamara.

Tatawagin ang ahensya na Department of Filipino Overseas and Foreign Employment (DFOFE) dahil hindi lamang ito para sa OFWs na nagtatrabaho sa ibang bansa  kundi sa lahat ng Filipino na nasa ibang bansa.

Ani Salceda, 54% ng lahat ng Pilipinong nasa abroad ay migrants, habang 37% lamang ang temporary workers o iyong kilala bilang OFWs at 7% naman ang mga undocumented.

Ipinaliwanag ni Technical Working Group (TWG) Head at Albay Rep. Joey Salceda na apat ang magiging kliyente ng DFOFE kasama ang OFWs na nasa abroad, OFWs na nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga OFW at lahat ng Pilipinong nasa iba’t ibang bansa.

“By having a single department, we will be able to essentially protect them, support their families, and reintegrate them when they come home,” paliwanag ni Salceda.

Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang magiging central body ng departamento dahil ito ang ahensyang may expertise sa larangan ng OFW, magsisilbi namang attached agencies ng DFOFE ang Commission on Filipino Overseas at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

179

Related posts

Leave a Comment