PAGLILIKAS SA OFWs SA IRAQ MAGPAPATULOY

IRAQ-2

TULOY-TULOY ang mandatory repatriation sa mga OFW sa Iraq dahil nananatili itong nasa alert level 4.

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo  Nograles na hindi ito nagbago at nananatili pa rin aniya ang polisiya na mandatory repatriation sa nasabing bansa.

Na-downgrade naman aniya ang alert level sa Lebanon.

Ang Iran aniya ay level 1 habang sa Lebanon ay level 2 na ang  ibig sabihin ay ‘just be prepared for evacuation but stay out of public places”.

Aniya, kasalukuyang nasa Qatar  si Environment Secretary Roy Cimatu upang ihanda ang safe haven ng mga OFW mula sa Iraq habang si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Abdullah Mamao naman ay ipinadala sa Iran at Iraq upang tiyakin na ang mga OFW ay protektado ng Iranians at Iraqis laban sa karahasan.

Pinag-aaralan na rin ang Qatar bilang possible staging area at mula roon ay ire-repatriate na sila pabalik sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, wala namang dapat ipangamba ang mga Pinoy worker na uuwi ng Pilipinas dahil may iaalok umanong livelihood packages, training sa TESDA at re-deployment ang pamahalaan kung nais ng mga itong muling magtrabaho sa ibang bansa subalit hindi na sa Middle East.

Ito aniya ang dahilan kaya binuksan ng Pilipinas ang communication nito sa mga bansang Japan, Canada, Germany, China at Russia sa pag-asang mabigyan ng trabaho doon ang mga Pinoy. (CHRISTIAN DALE)

341

Related posts

Leave a Comment