PAGLILIPAT KAY ONG AT DARGANI SIBLINGS SA CITY JAIL, DEPENDE SA PAGHAHANAP NG MGA DOKUMENTO SA PHARMALLY

KINUMPIRMA ni Senate Sgt At Arms Rene Samonte na dedepende sa aksyon nina Pharmally executives Mohit Dargani at Lincoln Ong ang paglilipat sa kanila sa Pasay City Jail mula sa custodial center ng Senado.

Sinabi ni Samonte na kailangang maibigay ni Dargani sa Senate Blue Ribbon Committee ang financial documents na hinihiling sa imbestigasyon.

Tiniyak ni Samonte na handa ang Senate security team na samahan si Dargani upang makuha ang mga kahong-kahong dokumento.

Gayunman, hindi pa rin nagdedesisyon si Dargani kung magtutungo sa warehouse ng Pharmally o sa kanilang opisina o tahanan.

“I said we can go to all the three areas. As of 12:00 noon, we are still here in the Senate,” pahayag ni Samonte.

Una nang pinagbigyan ni Blue Ribbon Committee chairman, Sen. Richard Gordon ang mga opisyal ng Pharmally na maipresinta ang mga ebidensya subalit binigyang-diin na nananatili ang kautusan na ilipat sila sa City Jail.

“We will be waiting for further instructions of the committee after it has studied the said financial documents,” dagdag ni Samonte. (DANG SAMSON-GARCIA)

2

Related posts

Leave a Comment