PAGLOBO NG 2020 BUDGET PARA SA DU30 PROJECTS –SOLON

congress duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MALAKI ang kinalaman ng Build-Build-Build program ng Duterte administration sa paglobo ng 2020 national budget na nakatakdang ibigay ng Malacanang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na mga araw.

Ito ang nabatid kay House deputy speaker Johnny Pimentel kung saan ginarantiya ang mabilis na pagpapatibay sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.2 trillion.

Mas mataas ito ng mahigit kumulang sa P500 Billion kumpara sa P3.757 Trillion na pondo ng national government ngayong 2019.

“Yes, the significant increase is warranted considering that the administration will continue the ‘Build, Build, Build’ program,” ayon kay Pimentel.

Malalaman aniya sa sandaling masimulan na ang pagbusisi sa national budget kung saan-saan lugar  at mga proyekto gagamitin ang idinagdag na pondo ng Duterte administration.

Target ng liderato ng Kamara na matapos na maipasa sa ikalawang pagbasa ang proposed budget na ito ng gobyerno sa Oktubre 5, 2019 kaya kung sisimulan ang deliberasyon ito sa ikatlong linggo ng Agosto ay mayroong lamang isa’t kalahating buwan ang mga kongresista para trabuhin ito.

“Yes we will pass the budget on time I’m sure of that. The Congress leadership is giving the early approval of the 2020 its utmost priority and the composition of Committee on Appropriations is almost complete,”  ani Pimentel.

Pangungunahan ni Davao City Rep. Isidro Ungab, chairman ng House committee on approprations and deliberasyon ng national budget kung saan mayroon ito 25 vice chairmen na aasiste para mapabilis ang pagdinig at pagpapatibay sa nasabing panukala.

Sinabi naman ng mga militanteng mambabatas na kanilang bubusisiin ang national budget para masiguro na mapakinabangan ito ng taumbayan.

161

Related posts

Leave a Comment