PAGLUTANG NI ACIERTO, KINUWESTIYON NI ALBAYALDE 

aciero12

(NI NICK ECHEVARRIA)

KINUKWESTIYON ni Philippine National Police (PNP) Chief  General Oscar Albayalde, ang timing ng paglutang ni dating police colonel Eduardo Acierto kasabay ang akusasyon na  dalawang Chinese national umano na malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sangkot sa ilegal na operasyon ng droga sa bansa.

Ayon kay Albayalde,  si  Acierto ay matagal nang dismiss sa serbisyo simula pa noong Agosto 2018 dahil sa kaso ng katiwalian kaugnay sa smuggling umano ng mga armas na AK47 kaya hindi niya alam kung ano ang saloobin nito sa kanyang paglutang at pagdawit sa pangalan ng Presidente sa transaksyon ng droga.

Si Acierto ang dating Deputy Director for Administration ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na isinasangkot sa umanoy P11 bilyon halaga ng shabu na nakapasok sa bansa at na-cite for contempt matapos na hindi dumalo sa mga pagdinig sa Senado kaugnay  sa kinasangkutang drug smuggling.

Binigyang-diin pa ni Albayalde na kung mayroon mabigat na impormasyon si Acierto, dapat ay inilabas na niyang  lahat noong panahon na  pinatawag siya sa sa Senado.

Idinagdag pa ni Albayalde na wala siyang alam na warrant of arrest laban kay Acierto kaya pwede aniyang lumutang ito at magbigay ng  salaysay na dapat ay  noon pa ginawa.

Hindi rin matandaan ni Albayalde na nakatanggap siya ng confidential report mula kay Acierto tungkol sa dalawang Chinese nationals na sina Michael Yang at Allan Lim.

“I really can’t recall if indeed he submitted an intel report, sa dami ng report na dumaan sa office ko. And if it’s during my time or chief Bato’s (Dela Rosa) time. Kung intel report lang yan, normally it goes to our validation. However, if indeed na may report siya and if that report is actionable, he should have acted on it, him being with PDEG, an operating unit of PNP in illegal drugs, regardless kung sino yung tao. And he should have informed his boss about it,” pahayag ni Albayalde sa mga media sa Camp Crame.

 

158

Related posts

Leave a Comment