(NI BETH JULIAN)
HINDI maituturing na matalinong hakbang ang ginawa ng Vietnam na pagpalag sa China kaugnay sa pinag- aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pagpapaalis ng Vietnam sa mga sasakyang pandagat ng China sa kanilang exclusive economic zone.
Ayon kay Panelo, kahit hindi nauwi sa gulo ang pagpalag ng Vietnam ay nalagay pa rin sa balag ng alanganin ang kapayapaan sa lugar at ang kaligtasan ng kanilang mamamayan.
Giit ni Panelo, ito rin mismo ay hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na mangyari sa Pilipinas.
200