(NI CESAR BARQUILLA)
HINILING ni 2nd District Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa tanggapan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na pag-aralang mabuti ang kahilingan ng convicted murderer na si Datu Zaldy Amptuan na magpagamot sa labas ng New Bilibid Prison base sa rason ng doktor na tumitingin dito.
Base sa mosyon na inihain ng abogado ni Ampatuan sa QCRTC nitong nakalipas na Disyembre 23, nakasaad ang kahilingan na kailangang sumailalim sa therapy and rehabilitation para sa pang araw-araw na gamutan.
Sa panig ng mga Mangudadatu, personal na aapela ito sa korte para siguraduhin sa loob lamang ng New Bilibid Prison maisagawa ang sinasabing gamutan para kay Zaldy na siyang utak ng karumaldumal na massacare na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo, kasama ang apat pa nitong kaanak.
Binigyang diin pa ng mambabatas na kung talagang kailangang ipagamot ang murderer ay hindi dapat ang sariling doctor ng mga Ampatuan ang magsasabi nito kundi ang mga manggamot mula NBP at ang mga ito ang siyang nararapat na magrekomenda para ipagamot sa labas ng pambansang piitan ang akusado.
“My 10-year court battle with this family showed me how devious and calculating they are. Hindi malayong isipin nila ang option na tumakas. Pag nangyari yun, magiging napakahirap na para sa ating kapulisan na mahuli silang muli,” ani Mangudadatu.
Sinabi pa ng mambabatas na bakit ngayon lang Enero 2, 2020 isinapubliko ang nais ng kampo ng Ampatuan na ipagamot si Zaldy samantalang nag-file ng motion sa korte ay nakalipas pang 23 ng Disyembre.
“We are expecting other but similar petitions such as this, pero nakahanda din po kami dahil alam naming hindi pa ito lubusang natatapos sa pagbaba ng hatol sa kanila. Kaagapay namin ang dasal sa patuloy na laban naming ito,” ayon pa kay Mangudadatu.
152