PAGPAPAGAMOT SA SINGAPORE APELA NG MGA SYJUCO

sy

(NI TERESA TAVARES)

UMAPELA sa Sandiganbayan sina dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Augusto Syjuco Jr. at ang kanyang misis na si dating Iloilo Representative Judy Syjuco na payagan silang bumiyahe sa Singapore.

Batay sa mosyon, nais ng mag-asawang Syjuco na pumunta ng Singapore mula Pebrero 7 hanggang 22 para sa chemotherapy treatment ng dating TESDA director general dahil sa sakit ng leukemia.

Nabatid na may ibinibigay na gamot ang ospital sa Singapore kay Syjuco na Azacitidine na wala pa sa Pilipinas.

Pinayagan na ng anti-graft court Third Division si ginang Syjuco na samahan ang asawa habang diringgin pa ng korte ang travel motion ng dating TESDA director general.

Ayon sa Sandiganbayan ang P460,000 travel bond ni ginang Syjuco ang titiyak na tatalima ang ginang sa kondisyon ng kaniyang pagbiyahe.

Nahaharap ang mag-asawang Syjuco sa iba’t ibang kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pondo ng gobyerno.

 

 

21

Related posts

Leave a Comment