PAGPAPALAWIG NG WFH NG BPO SECTOR, SUPORTADO

SUPORTADO ni Senador Leila de Lima ang panawagan ng Information Technology and Business Process Management firms na suspindihin ang return-to-office order ng Fiscal Incentives Review Board.

Sinabi ni de Lima na bagama’t maganda ang intensyon ng kautusan para sa economic activities sa retail industries sa eco-zones, kailangan ding timbangin ang rason ng mga IT-BPM firms at employees.

Ipinaliwanag ng senador na wala ring garantiya na ang return-to-office order ay magdudulot ng positibo sa ekonomiya dahil nanganganib din na mawalan ng resources at trained employees ang industriya kung agad papalitan ang working arrangements.

Para kay de Lima, maituturing din na pagbabalewala sa kalusugan at kaligtasan ng BPO workers ang kautusan.

Ipinaalala ng mambabatas na hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID 19 kahit ibinaba na sa Level 1 ang Alert status sa malaking bahagi ng bansa.

Bukod dito, nasa kalagitnaan din anya ang bansa ng transportation crisis dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. (DANG SAMSON-GARCIA)

81

Related posts

Leave a Comment