(NI DONDON DINOY)
DAVAO CITY–Pinagtibay ngayon ng Department of Education (DepEd)-11 na may sapat na basehan ang pagpapasara sa 55 mga paaralan sa Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI), na nag-operate sa mga malalayong lugar sa lungsod at sa ibang rehiyon ng Mindanao.
Unang sinabi ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, na kasali sa mga naging rason ang imbestigasyon kung saan napag-alaman na nagsumbong ang ilan sa mga mag-aaral na naging guro nila ang isang full time member ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Atillo, ilan sa mga naging paglabag ng mga paaralan sa Salugpungan ay ang hindi pagsunod sa hinihingi ng DepEd na rekisitos, ginamit umano ang mga bata sa mga rally na walang permiso sa mga magulang, dir in pumasa ang mga guro sa Licensure Examination for Teachers (LET), at pumasok sa mga ancestral domain na walang pahintulot ang mga Lumad at marami pang iba.
Dagdag ni Atillo na nagtuturo rin ang Salugpungan ng mga idolohiya na labag sa gobyerno.
Samantala, ipinangako naman ni Atillo na hindi makaka-apekto sa mga mag-aaral ang pagpapasara sa mga naturang paaralan dahil handa nilang sagipin ang mga paaralan ng DepEd na malapit sa lugar.
Sinabi nito na sa Davao Region ay mayroong 33 na paaralan ang DepEd na malapit sa Salugpungan.
“We continue to remind and encourage the parents to enroll their child to DepEd schools. We assure you that we will accept them with or without credentials,” aniya.
212