PAGPAPAUNLAD SA YELLOW CORN INDUSTRY ITINULAK SA SENADO

HINIKAYAT ni Senator Cynthia A. Villar ang mga kapwa mambabatas na maipasa ang kanyang panukalang batas na magpapalakas sa yellow corn industry dahil sa kahalagahan nito sa poultry.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na layunin ng Senate Bill No. 120 o ang Act to Develop and Promote the Yellow Corn Industry, to Enhance Availability of Affordable and Quality Feeds, and to Provide for a Corn Competitiveness Enhancement Fund, upang itaas ang produksyon ng mais at maibenta sa murang halaga para sa livestock at poultry sector.

“This can be achieved by institutionalizing mechanization, hybrid seeds propagation and distribution, credit, extension and training, provision of insurance, marketing, organization of farmers, among others,” sabi pa ng chairperson ng Senate committee on Agriculture and Food.

inihayag din ni Villar na isa sa pangunahing agricultural crops sa bansa ang yellow corn na gamit bilang livestock and poultry feeds.

“It is a rainfed crop, requires simple land preparation, and can be grown in upland, even in sloping areas. It is usually harvestable after 55 – 75 days. It is mainly used for livestock and poultry feeds,” sabi pa ni Villar.

Aniya, mas pinipili ang mais bilang pagkain/patuka dahil sa mataas nitong carotene content. May 50% ng sangkap ng patuka (feeds) ay yellow corn.

Bagama’t patuloy ang pagtaas ng produksyon ng yellow corn simula 2017 base sa Philippine Statistics Authority (PSA), iginiit ni Villar na hindi ito sapat sa kailangan ng livestock and poultry sector.

Binigyan diin niya na hindi matugunan ng ating produksyon ang kailangan ng bansa na 8.8 million tons.

Dahil dito, sinabi ni Villar na patuloy tayo sa pag-iimport ng mais, patuka (feeds) at iba pang sangkap ng patuka na nakaaapekto sa kita at kapakanan ng mga magsasaka ng mais.

Bukod sa importasyon, apektado rin ang corn farmers ng mataas ng halaga ng inputs, klima, peste at mga sakit.

Ang National Corn Program, ang banner program ng Department of Agriculture, ang tugon ng pamahalaan sa mga hamong kinahaharap ng corn industry.

Pero sa kabila ng programa, dismayado pa rin ang senador na napag-iiwanan ang paglago ng industriyang ito.

“Our corn farmers are still dealing with these issues even if there has been sufficient budget given to the program through the years,” ayon kay Villar.

Mulo siyang nanawayan na isulong at palakasin ang corn industry dahil magreresulta ito sa mas angat na livestock, poultry and dairy industries. (ESTONG REYES)

45

Related posts

Leave a Comment