PAGPAPAUWI NG LABOR ATTACHéS SA CANADA PINAG-AARALAN

canada philippines12

(NI MINA DIAZ)

DAHIL sa hidwaan kaugnay sa tone-toneladang basura, ikinokonsidera ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapabalik na rin sa labor attachés sa Canada.

Nauna nang pinabalik ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin ang ambassador at consul ng Pilipinas sa Canada matapos mabigo ang pamahalaan ng Canada na tuparin ang May 15 deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para hakutin ang kanilang mga basura.

Ayon kay Bello, kung hindi umano magiging maayos ang  sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa, ikokonsidera na rin nito ang pagpapauwi sa labor attaché na siyang namamahala sa POLO [Philippine Overseas Labor Office] office sa Vancouver at Toronto.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa apektado sa isyu ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na pupunta o nasa Canada na.

Nabatid na nasa mahigit 800,000 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Canada.

182

Related posts

Leave a Comment