(NI NOEL ABUEL)
PINAIIMBESTIGAHAN ng isang senador ang pagtarget sa hanay ng mga abogado, prosekusyon at huwes sa bansa.
Giit ni opposition Senator Leila M. de Lima, na dapat kumilos at hindi na dapat pang magsawalang bahala ang Senado at dapat na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa patuloy na pagdami ng pag-atake sa hanay ng korte.
“This escalating and alarming trend and spate of attacks and killings of members of the Bar makes it imperative for the government and law authorities and institutions to conduct a thorough investigation and ensure that the perpetrators are swiftly brought to justice,” sabi ni De Lima.
“To provide adequate measures to address and ensure the personal and professional safety of Filipino lawyers and to effectively prevent any further attacks on their independence and security,” dagdag pa nito.
Inihalimbawa pa ni De Lima ang kaso ng pagpatay sa abogadong si Anthony Trinidad, na kilalag human rights defender sa lalawigan ng Negros na pinatay ng hindi nakilalang suspek.
Noong Mayo 17, napatay si Atty. Val Crisostomo ng hindi nakilalang lalaki sa Dagupan City Justice Hall sa Pangasinan.
Sa datos umano ng Philippine National Police (PNP) mula Hulyo 1, 2016 hanggang Pebrero 4, 2019 nasa 29,000 kaso ang tinukoy na deaths under inquiry (DUI) sa buong bansa.
126