Pagpuna, pagsita sa kapalpakan bawal na? BBM SINULSULAN PARA SIPAIN SI MAGNO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

LUMILITAW na may nagsulsol kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sibakik si dating Department of Finance undersecretary Cielo Magno.

Ito ay matapos aminin ni Magno sa programang The Chiefs ng One News na utos ng Malakanyang ang pagsibak sa kanya at hindi kagustuhan ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Magno, noong July pa kinausap ng Malakanyang si Diokno para alisin siya sa pwesto. Kinausap aniya ni Diokno si Marcos at ipinaliwanag na nakatutulong siya sa pagreporma sa DOF.

Kaya nakumbinsi aniya ang Pangulo at sinabing maaari siyang manatili sa nasabing ahensya.

Ngunit kamakailan ay hindi naiwasan ni Magno na mag-post sa social media ng isang graph na naglalarawan sa “law of supply and demand” na may caption na “I miss teaching.”

Ang post ni Magno ay tila banayad na pagpuna sa naging kautusan ni Marcos, Jr. na nagbibigay mandato sa rice ceiling sa dalawang uri ng bigas para rendahan ang sumirit na halaga ng kalakal.

Ayon sa source ng SAKSI Ngayon, posibleng napuno na ang taong iritado kay Magno kaya sinulsulan si Pangulong Marcos na sibakin na ito.

Maraming nanghinayang sa pag-alis ni Magno sa DOF.

“The administration has lost a reformer with technical expertise who can reach out to sectors with varying persuasions—politicians, investors and businessmen, people’s organizations, academics and the international community,” ayon sa Action for Economic Reforms (AER).

Maging sa social media ay umani ng suporta si Magno. Binatikos naman ang pamahalaan dahil pagpapakita anila ang aksyon laban kay Magno na bawal kumontra sa pamahalaan.

“Anything that could reveal this administration’s shortcomings is forbidden. Kung government employee ka at may balak kang punahin, sitahin, o batikusin ang pamahalaan, mas gugustuhin ng Malacañang na manahimik ka na lang,” post ni The Wasted Wanderer.

Komento naman ni JuanMigRiveraLegazpi: “Bawal daw kasi isipin ang kapakanan ng taumbayan. Dapat kapakanan lang ni junyor at pamilya nya ang atupagin. Yan ang mantra ng administrasyon na to”.

31

Related posts

Leave a Comment