(CHRISTIAN DALE)
MADARAGDAGAN na naman ang bilang ng mga walang trabaho ngayong inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).
Kaugnay ito sa layunin ng pamahalaan na pagtitipid.
Sa pagtaya ng gobyerno, aabot sa P5.3 bilyon sa unang taon at aabot naman sa P20 bilyon para sa unang apat na taon ang maisusubi sa nasabing pagsasanib.
Sa Malacanang Press briefing, sinabi Finance Secretary Benjamin Diokno na target nilang maipatupad ang merging bago matapos ang taon.
“By merging the two, it will now become the Number 1 bank in the Philippines aside from Banco De Oro (BDO) in terms of assets,” ayon sa kalihim.
Tiniyak naman nito na may separation package silang iaalok para sa mga maaapektuhan ng pagsasanib.
Ani Diokno, may 147 ang sangay ng DBP, nasa 22 na lamang ang pananatilihin nito habang wala namang nabanggit kung ilan sa 752 branches ng Landbank of the Philippines ang matitira.
