Pagsuspinde sa budget deliberation HINDI SABOTAHE – DEFENSOR

HINDI pagsabotate sa 2021 national budget na nagkakahalaga ng P4.506 trillion ang mosyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na ipagpaliban muna ang deliberasyon noong Miyerkoles ng hapon.

“This is not to stop or hindi naman po ito para isabotahe ang mga pagtatapos ng Committee on Appropriations,” ani Defensor bilang pagtatanggol sa kanyang mosyon.

“Bagkus, I would think na sana ho makatulong din itong paghinto sa pag-aayos sa budget. Mabigyan tayo ng panahon na itama,” dagdag pa ni Defensor matapos aprubahan ang kanyang mosyon.

Hindi ito nagustuhan ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco dahil isa umano itong uri ng pangho-hostage sa pambansang pondo dahil sa personal na agenda umano ng kampo ni Cayetano.

“It is most unfortunate, therefore, that today, deliberations on the budget was suspended. Instead of focusing on the work at hand, further political maneuverings and theatrics took the budget deliberations hostage,” ayon sa statement ni Velasco, Miyerkoles ng gabi.

Unang itinakda ng Kamara na maipasa ang pambansang pondo sa ikatlong pagbasa sa Oktubre 13 upang maibigay ito sa ikatlong linggo ng Senado para sa hiwalay na bersyon ng mga senador.

Gayunman, nangangamba si Velasco na ma-delay ito matapos ipasuspinde ang deliberasyon ng isa’t kalahating araw nang tumigil ang pagtalakay rito sa plenaryo dahil sa privilege speech ni Cayetano at kalaunan ay nagmosyon si Defensor na suspendehin ito hanggang ngayong araw, Biyernes.

“These attacks and distractions serve no purpose other than to perpetuate what is a purely personal agenda threatening to delay the passage of the budget. This is the truth,” ani Velasco.

Subalit ayon kay Defensor, wala silang intensyong isabotahe ang pambansang pondo dahil sa girian sa speakership nina Cayetano at Velasco kundi nais lamang umano nila itong itama.

Tiniyak nito na maipapasa sa second reading ang pambansang pondo bago mag-recess ang Kongreso sa kabila ng agawan ng liderato sa Kamara dahil isang araw lamang naman aniya na-delay ang deliberasyon. (BERNARD TAGUINOD)

49

Related posts

Leave a Comment