PAGTALAKAY SA MAHARLIKA FUND, TINAPOS NA NG SENATE COMMITTEE

TINAPOS na ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions sa pangunguna ni Senador Mark Villar ang pagtalakay sa mga panukala para sa Maharlika Investment Fund.

Matapos ang tatlong hearing ay idineklara ni Villar na adjourn na ang pagdinig subalit patuloy na pag-aaralan ng binuong Technical Working Group ang panukala na magsisimulang magpulong sa Miyerkules, Marso 1.

Sa pagdinig nitong Lunes, tinalakay kung magiging kompetisyon ng National Development Company na investment arm ng gobyerno ang Maharlika Investment Corporation.

Ipinaliwanag Antonilo Mauricio, General Manager ng NDC na nakikita nilang mananatili silang investment arm ng gobyerno na nakafocus sa investment gaps at suporta sa msmes at magsisilbi silang complementary o suporta sa MIF oras na matuloy ang pagpasa nito.

magfofocus din anya ang NDC sa pagpondo sa mga small projects dahil ang MIF ang nakatokang magpondo sa big ticket infrastructure projects.

Suportado naman ng Philippine Stocks Exchange ang paglikha ng MIF dahil panahon nang magkaroon ng sovereign fund ang Pilipinas.

Pero, pinuna ng PSE ang probisyon sa panukala kung saan ireremit lahat ng net revenues mg maharlika fund sa gobyerno para sa ayuda.

Tanong ng PSE, paano naman magrere-invest ang maharlika investment corporation at lalabas na nawawalan nang saysay ang target ng gobyerno na pumasok sa long-term investments, mapalago ang pondo, at magkaroon ng intergenerational wealth ang bansa.(Dang Samson-Garcia)

29

Related posts

Leave a Comment