PAGTATAGPO NI PULONG, TRILLANES SA KAMARA POSIBLE 

dutri12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa nakatakda ang pagtatagpo nina Davao City Ist District Congressman-elect Paulo ‘Pulong’ Duterte at Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV subalit darating din umano ang panahong ito.

Isa sa mga inaabangan ay kung magiging kinatawan ng Magdalo party-list group si Trillanes lalo na’t tapos na ang termino nito bilang senador sa tanghali ng Hunyo 30, 2019.

Gayunpaman, wala ang pangalan ni Trillanes sa 5 nominees ng Magdalo party-list dahil tanging sin Manuel G. Cabochan, Eugene Louie P. Gonzalez, Elmer D. Cruz, Ian Lus D. Badecao III at Jeveehboy M. Macarbbu lang ang nasa listahan ng nominees.

Dahil isang upuan lang ang naipanalo ng Magdalo noong nakaraang eleksyon, tanging si Cabochan ang uupong kinatawan ng nasabing grupo sa 18th Congress.

“Akala namin si Trillanes ang uupo,” pahayag ng isang reporter kay out-going Magdalo party-list Rep. Gary Alejano nang makausap ito ng mga mamamahayag.

“Si Cabochan (ang uupo). Baka (si Trillanes) later siguro,” ani Alejano.

Hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon si Alejano ukol dito subalit maaaring palitan ng isang party-list organization ang kanilang kinatawan sa Kongreso anumang oras.

Hindi lingid sa lahat ng tumitindi ang bangayan ng mga Duterte at ni Trillanes hindi lamang nitong nakaraang eleksyon kundi mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Si Trillanes din ang itinuturo ni Peter Joemel Advincula, alyas  Bikoy na nasa likod umano ng “Ang Totoong Narcolist” video series na inilabas nito kung saan inakusahan nito ang ilang miyembro ng First Family at Senator-Elect Bong Go na sangkot umano sa illegal na droga.

Gayunman, binawi ni Advincula ang kanyang alegasyon laban sa mga Duterte at kay Go nang humarap ito sa mamamahayag kamakalawa sa Camp Crame kung saan itinuro nito ang Liberal Party (LP) at si Trillanes na nasa likod nito bagay na itinanggi ng nasabing partido at ng senador.

115

Related posts

Leave a Comment