PAGTUGON NG GOBYERNO SA 300K UUWING OFWs, BUBUSISIIN SA SENADO

PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Risa Hontiveros sa inihaing resolusyon ang plano ng pamahalaan sa reintegrasyon ng Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho kabilang ang kanilang pamilya.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangan nang tapusin ang patuloy na problema at paghihirap ng OFWs na nawawalan ng trabaho upang suklian ang kanilang sakrispisyo sa bayan.

“We must put an end to the suffering of our migrant workers and their families during this pandemic. Dapat may malinaw tayong plano para tugunan ang financial, medical at mental health needs ng dumaraming bilang ng OFW na bumabalik sa bansa,” ayon kay Hontiveros.

Aniya, layunin ng Senate Resolution No. 445 na rebyuhin ang plano ng pamahalaan sa reintegrasyon ng OFWS at kanilang pamilya na nawalan ng hanapbuhay sa abroad sanhi ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.

“The proposed Senate Resolution No. 445 calls for a Senate investigation into government’s return and reintegration plans for OFWs amid “the substantial influx of Filipino migrant workers displaced by the COVID-19 pandemic returning to the Philippines, perhaps permanently,” giit ng senador.

Sa resolusyon, sinabi ni Hontiveros na dapat may kumprehensibong plano ang pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mahigit 300,000 OFWs na inaasahang magbabalik sa bansa sa taong ito sanhi ng COVID-19 pandemic.

“It is essential that the government’s return and reintegration programs take the needs of OFWs and their families into account in developing and implementing financial aid programs for households in distress, mental health and psycho-social services, and medical assistance in relation to COVID-19, including mandatory testing,” ayon kay Hontiveros.

Kailangan din umanong magbigay kaagad ang pamahalaan ng livelihood assistance sa OFWs partikular sa kababaihan na mas nagdusa sa kawalan ng trabaho at kabuhayan sanhi ng pandemic. (ESTONG REYES)

70

Related posts

Leave a Comment