Pagtupad sa ‘unity promise’ tiniyak PBBM MAGIGING PANGULO NG LAHAT

(CHRISTIAN DALE)

BIBIGYANG katuparan ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. ang pangakong pagkakaisa sa panahon ng kanyang administrasyon.

Ito ang tiniyak ni Atty. Vic Rodriguez, incoming Executive Secretary sa BBM admin.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Rodriguez na nagsimula ang “unification process” matapos ihayag ng kampo ni outgoing VP Leni Robredo na hindi na nila kukwestiyunin ang isinagawang canvassing of votes.

“That is a good start to the unification process, the healing process,” wika ni Atty. Rodriguez.

Binigyang-diin ni Rodriguez na ang tanging maiaalok ng President-elect ay ang kanyang unifying brand of leadership at tiniyak na magiging pangulo ito ng bawat Pilipino.

Sa kanyang proklamasyon, Miyerkoles ng gabi, nangako si Marcos Jr. na magsisikap siya at gagawin niya ang lahat para maging perpekto sa oras na mamuno na siya bilang susunod na lider ng bansa.

Mapagkumbaba nitong sinabi na “anyone in public service or in a public life, the most valuable thing you may receive from a fellow citizen is their vote.”

“To have received over 31 million votes from our countrymen is as valuable expression of trust as can be had by anyone in public life. And so for that I thank our people,” dagdag na pahayag ni Marcos.

“Beyond that, I promise you that we may not be perfect but we will always strive to perfection. Thank you very much,” aniya pa rin.

Aniya, kaakibat ng boto na kanyang natanggap ay ang pag-asa at hangarin para sa hinaharap.

Related posts

Leave a Comment