PALASYO ATUBILI SA H2H VACCINATION

DEPENDE sa kalalabasan na pag-aaral ng National Task Force Against COVID-19 kung isasagawa ang house-to-house vaccination na panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“The government is still studying. Whether it will push through or not will depend on the outcome of the study,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar.

“It was an idea that PRRD (Duterte) strongly wanted DOH (Department of Health) to consider to solve this unused vaccine problem, and to have the unvaccinated vaccinated,” dagdag na pahayag nito.

Aniya pa, nais ni Pangulong Duterte na magsagawa ang Department of Health ng house-to-house anti-COVID-19 vaccination, partikular na sa kabukiran sa gitna ng inaasahang expiration o pagkapaso’ ng milyong vaccine doses sa susunod na mga buwan.

Sa ulat, aabot sa 27 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nakatakdang mag-expire pagsapit ng Hulyo ngayong taon, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Nanghihinayang si Concepcion na hindi magamit ang mga naturang bakuna kung kaya’t hinimok nito ang mga wala pang booster shot na magpaturok na. (CHRISTIAN DALE)

77

Related posts

Leave a Comment