(NI BETH JULIAN)
ISANG linggo lamang makalipas ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito pabor sa legalisasyon ng marijuana para sa medical use, inihayag ngayon Malacanang na nananatili pa rin itong bukas sa posibleng pagsasabatas ng Medical Marijuana bill.
Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, ang pahayag ng Pangulo kaugnay sa nasabing batas ay posible lamang na nais nitong magkaroon ng karagdagang safeguard sa pagsasalegal ng marijuana bill para magamit ito bilang gamot.
Sinabi ni Panelo na maaaring gusto lang ipunto ng Punong Ehekutibo ang limitadong paggamit ng medical marijuana para maiwasan ang pag abuso at maling paggamit nito.
Gayunman, sinabi ni Panelo na lilinawin nito nang mabuti kay Pnagulong Duterte ang paninindigan sa itinutulak na Philippine Compassionate Medical Cannabis Act o House Bill 6517.
Matatandaan na nagpahayag na ng pagkontra si Duterte rito dahil maaari lamang umano samantalahin ng mga drug users sakaling maisalegal na ito.
85