(NI LILIBETH JULIAN)
TAHASANG ipinagmalaki ng Malacanang ang inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na kumonti ang bilang mga mga drug addict simula nang ipatupad ang kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, ang nasabing resulta ng SWS ay ikinagalak ng Malacanang maging mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Panelo na patunay ito na tagumpay ang administrasyong Duterte sa kampanya kontra ilegal na droga kaya dapat lamang tumigil na ang mga kritiko ng administrasyon sa pagbatikos.
Apela ni Panelo sa mga kritiko na lubayan na ang administrasyon sa mga negatibong ipinipilit ng mga ito bagkus ay pakinggan na lamang ang boses ng taumbayan na nsbawasan na ang adik sa kanilang lugar.
Una nang inilabas ng SWS na anim sa 10 Filipino ang naniniwalang nabawasan ang bilang ng drug addict sa kanilang lugar.
Partikular sa mga binanggit na lugar ang Mindanao, Visayas, Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.
111