NAKIISA ang Malakanyang sa sambayanang Filipino lalo na sa mga sagrado katoliko at deboto ng Mahal na Poong Itim na Nazareno sa madamdamin at debosyonal na pagdiriwang mg Kapistahan ng Black Nazarene.
Ang taunang selebrasyon na ito ay matibay at patuloy na pagpapaalala sa malalim at pangmatagalang relasyon ng sambayanang Filipino sa Poong Maykapal.
Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, isa itong magandang oportunidad para patatagin ang Christian ties ng isa’t isa.
“And move us to a spiritual awakening and rebirth that will contribute enormously to having a peaceful Philippines,” ayon kay Sec. Panelo.
Ang pagdagsa aniya ng milyong Filipino sa Quiapo Church at sa mga nakapalibot na lugar sa simbahan ay bahagi ng ‘time-honored tradition’.
Isa ang Malakanyang sa naghangad ng kaligtasan ng bawat isa at maayos na pagsasagawa ng dalisay na kaganapan.
“Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!,” ayon kay Sec. Panelo. (CHRISTIAN DALE)
112