PALASYO TINIYAK NA MAS PAPABORAN ANG PINOY SA CHINESE WORKERS

duterte88

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na laging una ang mga Pinoy workers  bago pa man ang ibang nasyunalidad,  partikular ang Chinese nationals.

Ito ay makaraang lumitaw sa survey na karamihan sa mga Filipino ay nangangamba sa pagdagsa ng mga Chinese worker sa bansa.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipatutupad ang mahigpit na immigration at labor policies sa foreign workers.

“The Filipino people are assured that this administration is strict in enforcing the law, especially those pertaining to our immigration and labor policies,” sabi ni Panelo.

“The President, as always, will prioritize the interests of the Filipino people and our local labor force,” ayon pa kay Panelo.

Lumitaw sa September survey ng Social Weather Stations na 70 porsiyento ng adult Filipinos ay nangangamba sa pagdagsa ng foreign Chinese workers sa bansa.

Ang resulta ng survey ay inilabas ilang araw matapos magbanta ang Pangulo sa offshore gaming operators na bayaran ng tama ng buwis sa gobyerno.

177

Related posts

Leave a Comment