PALITAN NG INFO, INTEL, HILING NI DU30 SA ASEAN LEADERS

(NI CHRISTIAN DALE)

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kapwa niya ASEAN leaders na mas paigtingin pa ang pagmamantine ng kanilang  kooperasyon partikular na sa pagpapalitan ng impormasyon at intelligence sa gitna ng kinakaharap na mga suliranin sa rehiyon.

Ilan na dito ay ang mga problemang may kinalaman sa iligal na droga, human trafficking, cybercrime at iba pang anyo ng krimen kabilang na ang terorismo.

Sa pagsasalita ng Pangulo sa unang session ng 2019 ASEAN-ROK Commemorative intevention, ipinunto rin nito na isang wake up call ang naging karanasan ng Pilipinas sa Marawi siege at nagpapatunay na walang border ang terorismo.

Kailangan aniya dito ang sama- samang aksiyon para labanan ang banta ng terorismo sa pamamagitan ng pag- ugat sa pinagmulan nito gaya ng kawalan ng pag- unlad, hindi pagkakapantay- pantay at kawalan ng katarungan.

Inilahad din ng Pangulo sa intervention ang problema sa basura sa mga karagatan na aniyay lalong lumalala na kailangang pagtulung- tulungan sa harap ng  banta nito sa marine resources at food security.

 

142

Related posts

Leave a Comment