PAMAMASLANG SA 3 CAA SA MAGUINDANAO KINONDENA

KINONDENA ng pamunuan ng Joint Task Force Central ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary (CAA) sa Sitio Simway, Edcor, Buldon, Maguindanao del Norte, ala-1:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Major General Roy M Galido, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division, hindi makatarungan ang pagpaslang sa mga miyembro ng CAA na nagbabantay lamang ng inaayos na tulay.

Kinilala ang mga nasawi na sina CAA Christian Silvestre; CAA Ignacio Lozada; at CAA Dondon Ahito habang sugatan naman sina CAA Arnel Cayanan at CAA Calbertson Baggay. Kinuha rin ng mga suspek ang apat na M14 rifle ng mga biktima.

“This inhumane act of the killing and wounding of our personnel must be condemned to the full extent. JTF Central calls on the populace to remain vigilant of the atrocities of these culprits behind the attack on our personnel hence, this shooting incident deliberately violates the right to life and cannot be justified under any ideology or circumstance,” pahayag pa ni Maj. Gen. Galido.

Sa ulat na nakarating kay Colonel Eric A Macaambac, commander ng 1st Marine Brigade, ang inaayos na tulay ay nasira sa pananalasa ng ‘Tropical Storm Paeng’. Habang nakabantay rito ang mga miyembro ng CAA ay pinagbabaril sila ng mga armadong salarin. (JESSE KABEL RUIZ)

131

Related posts

Leave a Comment