Panawagan kay Marcos Jr. PROBLEMA SA KAHIRAPAN UNAHIN BAGO AWAY SA CHINA

IMBES tutukan muna ang pagpapalakas sa bansa at maiahon sa kahirapan ang mga tao, mas inuuna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pakikipagbangayan sa China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang obserbasyon ni dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kay Marcos dahil tinututukan aniya nito ang pakikipag-alyansa sa Estados Unidos dahil sa lumalalang tensyon sa WPS.

“Let us stop this madness and delusion that we fight China in an armed conflict as part of the frontline of U.S. geopolitical interests. Wag natin kalimutan, iniwan din ng mga Amerikano ang Ukraine, Iraq, at Afghanistan,” ani Alvarez.

Sinabi ng Davao del Norte congressman na maraming problema sa loob ng bansa na dapat unahin ni Marcos tulad ng kahirapan, mataas na presyo ng mga bilihin, food security at marami pang iba.

Ito aniya ang dapat unahin ni Marcos at hindi ang geopolitical na usapin.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi isusuko ng Pilipinas ang anomang teritoryo nito sa gitna ng territorial dispute sa WPS.

Patuloy rin, ani Pangulong Marcos Jr. na susunod ito sa international rules-based order at palakasin ang alyansa kasama ang partners nito.

“As I have said before, and I will say again, the Philippines will not give up a single square inch of our territory to any foreign power. The law is clear as defined by UNCLOS and the final and binding 2016 Award on the South China Sea Arbitration,” ayon sa Pangulo sa Daniel Inouye Speaker Series sa Asia-Pacific Center for Security Studies sa Honolulu, Hawaii.

Sa nakalipas na linggo, sinabi ng Pangulo na kapwa kumikilos ang dalawang team sa bilateral planning at tracking mechanism na inaasahan na magpapabilis sa konkreto at substantial capability development investments at mga aktibidad upang makamit ang tinatawag na “shared defense and security objectives” sa nakalipas na limang taon.

Mindanao
hihiwalay sa Pinas

Samantala, nagbabala si Alvarez na kapag kinaladkad ni Marcos ang bansa sa giyera dahil sa usapin sa WPS ay imumungkahi nito na humiwalay na lamang ang Mindanao sa Pilipinas upang hindi madamay ang mga ito.

“If that would be the decision of the Philippine government, to keep on challenging China instead of seeking a balanced and sound approach that prioritizes national interest, I guess it is better to advocate for the independence of peaceful people of Mindanao and free the people of the south from a miserable devastation, as dictated by the north, so that we Mindanawons can be allowed to chart our own destiny,” ayon pa sa dating lider ng Kamara.

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

256

Related posts

Leave a Comment