(NI CHRISTIAN DALE )
HINDI pinalampas ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang muling pagpapakita ng pagiging ignorante ni US Senator Patrick Leahy sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si David Carle sa batas ng Pilipinas nang ipakulong si Senador Leila de Lima.
Pinalagan kasi ng kampo ni Leahy ang sinabi ni Panelo na ‘ignorante’ ang Vermont lawmaker sa pagsasabing ang pagkakakulong kay Sen. Leila de Lima ay isang ‘wrongful imprisonment.’
“US Senator Patrick Leahy simply does not get it. The good senator from Vermont, through his spokesperson David Carle, is showing more ignorance and uttering amusing nonsense on a subject matter based on bogus narratives coming from President Rodrigo Roa Duterte’s vocal and noisy critics and detractors, which constitute a pathetic minority in the country,” ayon kay Panelo.
Ayon kay Panelo, para sa legal education ni Leahy, ang kanyang mga sinabi na hindi alam ng senador ang mga procedural rules sa pagpapakulong sa isang taong nakagawa ng krimen ay hindi nangangahulugan na ang gobyerno o ang administrasyon ang mayroong matibay na ebidensiya laban kay de Lima kundi nasa korte na aniya ang pagdesisyon sa kaso ng senadora.
” What I stated in my earlier statement was that the investigating prosecutor and the judge have found probable cause to pursue charges and issue the warrant of arrest, respectively, against the lady senator. This Senator Leahy’s retort only validates his sheer ignorance on our country’s substantive and procedural rules,” pahayag ni Panelo.
Nakakulong si De Lima noon pang Pebrero 2017 para sa alegasong pagbubulsa ng mga drug payoff mula sa mga convicted crime lords noong siya pa ang justice secretary – isang alegasyon na tinawag na ‘political persecution’.
Sa kabilang dako, hinihimok din kasi ng kampo ni Leahy ang PH government na bigyan si De Lima ng isang patas na trial.
At sa aspeto naman ng human rights situation sa Pilipinas, sinabi ni Panelo na nakalulungkot aniyang isipin na mas pinili ni Senador Leahy na katigan ang mga negatibong komentaryo sa US Department of State Country Reports on Human Rights Practices for 2018: Philippines 2018 Human Rights Report sa halip na basahin ng buo ang 44 pahina nito.
Ang extrajudicial killings, pag-aabuso ng mga karapatan, at mga paninindak sa mga independent media ay nagpapatuloy sa ilalim ng Duterte Administration taong 2018, ani ng US sa Human Rights report nito.
At bilang tagapagsalita ng Pangulo ay sinabi ni Panelo na makatutulong kay Leahy o sa kahit na kaninong miyembro ng kanyang legal o policy staff para i- check o i-revisit o basahing muli ang kanyang kalatas.