(NI BERNARD TAGUINOD)
IGINIIT ni Bayan Muna party-list Rep.Ferdinand Gaite na imbestigahan din si Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos mabunyag na inendorso nito sa Executive clemency ang kanyang dating kliyente na si Antonio Sanchez.
Ginawa ni Gaite ang pahayag matapos mabunyag sa Senado ang endorsement letter ni Panelo sa Bureau of Parole para sa pagkalooban ng Executive clemency ang dating mayor ng Calauan, Laguna na sinentensyahan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo dahil sa paggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmento at Alan Gomez.
“His referral letter might be taken as an intervention especially coming from a presidential legal counsel to act favorably on the application for early release of his former client, the convicted rapist and murderer former Calauan mayor Sanchez,” ani Gaite.
Dahil dito, posible umanong paimbestigahan ang isyu sa Kongreso.
171