PANELO TIWALANG MAPIPIRMAHAN NA ANG 2019 BUDGET

panelo12

(NI CHRISTIAN DALE)

MALAKI ang posibilidad na malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isinumiteng 2019 proposed national budget ng Kongreso.

Ayon kay Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, napaka-busy ng schedule ngayon ng Pangulo kaya’t malabo itong agad mapirmahan ng Pangulo ang panukalang pambansang pondo.

Sa ngayon aniya patuloy pa ring inaaral at binubusising mabuti ng Chief Executive ang budget bill na una nang nakwestyon dahil sa umanoy iligal na mga realignment na ginawa umano ng mga mambabatas.

Subalit sa kabila nito, tiwala si Panelo na lalagdaan ng Pangulo sa mga susunod na araw ang 2019 budget bill upang masigurong hindi magkakaroon ng pagkaantala ang mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Gayunman, hindi iniaalis ni Panelo ang posibilidad na i-veto ng Punong Ehekutibo ang proposed budget sakaling mapatunayan nitong mayroon ngang iregularidad ang naturang panukala.

97

Related posts

Leave a Comment