PANGAKO NG DOTr SA MRT3 BABANTAYAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL)

UMAASA si Senador Grace Poe na tutuparin ng Department of Transportation (DOTr) ang nangako nitong matatapos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa taong 2021.

Sinabi ni Poe na ang karapatan mg publiko na masigurong ligtas at komportable ang MRT3 sa kanilang pang-araw-araw na pag-commute lalo na at may malaking pondo na ibinuhos bilang subsidy sa operasyon nito.

Sa isinagawang interpelasyon sa hinihinging P147-bilyong budget ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Poe na inaasahan nito na matutupad ng ahensya ang target na makumpleto ang rehabilitasyon ng MRT3 sa Hulyo 2021.

“You will be done by 2021, all those rails will have been replaced?” pag-uusisa pa nito

Tinugon naman ito ni Senador Sherwin Gatchalian, ang sponsor ng DOTr budget, na makukumpleto ang rehabilitasyon at halos bago lahat.

“Yes, complete rehab, almost like brand new,” ani pa  Gatchalian.

Sinabi pa ni Poe na ang MRT subsidy ay patuloy na tumataas, mula sa P3.4 bilyon noong 2016;  P4.6 bilyon sa 2018;  P4.7 bilyon ngayong taon, hanggang P6 bilyon sa 2020.

“Bilang karagdagan, ang gastos ng proyekto sa rehabilitasyon ng MRT ngayong taon ay tumalon sa P5 bilyon mula P1 bilyon noong nakaraang taon.  Maaari ba nating malaman ang dahilan sa likod nito?” tanong ni Poe.

Tugon naman ni Gatchalian na dahil sa pagkasira ng operasyon ng MRT, ang mga target na ridership ay hindi nakamit nito.

“If we don’t hit the ridership targets, government has to cough up the guarantee. Basically over the years, we are not hitting the desired number of ridership. Hence, government has to compensate the proponent through the increase in subsidies,” sabi pa nito.

 

174

Related posts

Leave a Comment