Pangako ni Harris sa sandaling atakihin ang PH sa South China Sea US TUTUPAD SA MUTUAL DEFENSE PROMISE

KAAGAD tutuparin ng Estados Unidos ang mutual defense promise nito sa oras na atakihin ang puwersa ng Pilipinas sa South China Sea.

Ito ang pangakong binitiwan ni Vice President Kamala Harris nang mag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Lunes sa Palasyo ng Malakanyang.

Binigyang-diin ni Harris na ang batayan ng ugnayan ng dalawang bansa ay “mutual commitments” sa “international rules and norms.”

“We are both proud members of the Indo-Pacific and in particular as it relates to the Philippines. I will say that we must reiterate always that we stand with you in defense of international rules and norms as it relates to the South China Sea… An armed attack on the Philippine Armed Forces public vessels or aircraft in the South China Sea would invoke US mutual defense commitments,” ayon kay Harris.

“And that is an unwavering commitment that we have to the Philippines,” dagdag na wika ni Harris kay Pangulong Marcos.

Tinuran nito na ang alyansa sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay “strong and enduring one.”

Sinabi pa ni Harris kay Pangulong Marcos na nasa ilalim ng liderato nito ang patuloy na paglakas ng ugnayan ng dalawang bansa sabay sabing “We look forward to working with you on many of these issues and I of course bring you greetings from President Joe Biden.”

Para naman kay Pangulong Marcos, ang ‘partnership’ sa Estados Unidos ay mas naging mahalaga, at ang pagbisita ni Harris sa Pilipinas ay “strong symbol” upang manatiling matatag at malakas ang ugnayan ng dalawang bansa.

Dumating sa Pilipinas si Harris, Linggo ng gabi, Nobyembre 20. Nakatakda itong bumisita sa Puerto Princesa, Palawan ngayong Martes, Nobyembre 22 at inaasahan na magsasalita ukol sa kahalagahan ng international law at freedom of navigation sa South China Sea. (CHRISTIAN DALE)

18

Related posts

Leave a Comment