PANGANGAILANGAN NG NSA, IBIBIGAY – PSC/POC

(NI JEAN MALANUM)

PINAWI ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pag-aalala hinggil sa mga equipment na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Ramirez na magkatuwang ang PSC at ang Philippine Olympic Committee (POC) para matugunan ang pangangailangan sa hosting ng bansa.

“The PSC and the POC, through Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino have taken steps to ensure that the national sports associations will have their equipment ready for the their hosting of the SEA Games,” lahad ni Ramirez.

Si Ramirez, na siya ring Chief of Mission ng Team Philippines at si POC chief Tolentino ay nagtatrabaho para masigurong maibibigay sa sports associations ang technical requirements sa event.

Ayon naman kay Tolentino, ang POC ang in charge sa pagkuha ng mga requirement na ipagkakaloob sa NSA base sa requirements na itinalaga ng kani-kanilang Asian at International Federations.

“These equipment will be based on the requests of the NSA. The Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) will inform us of the requirement based on the NSA requests to the PSC, which will provide the financial assistance for their purchase,” ani Tolentino.

Sinabi pa ni Tolentino na lahat ng kontrata at bibilhing equipmet ay magiging transparent at pasado sa requrements ng gobyerno, kasama na ang Commission on Audit (CoA) at ng Department of Budget and Management (DBM).

Siniguro rin ni Ramirez na popondohan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan sa SEA Games.

“Government will fund what is needed, especially by the NSA, when they host their respective events,” paniniguro ni Ramirez.

“We have a few months left,” aniya pa. “But we have ample time to purchase all the necessary equipment needed by the NSA in hosting their events.”

210

Related posts

Leave a Comment