(NI DAVE MEDINA)
TAHASAN na ang ginagawang pagpapakita ng panggigipit ng Chinese government sa mga taong kumokontra sa kanila nang kahapon ay hindi papasukin ng HongKong Immigration si dating Department of Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario.
Umabot ng halos anim na oras si Del Rosario, kritiko ng China sa pang-aagaw nito sa West Philippine Sea at panggigipit sa mga Filipino mangingisda, sa paghihintay sa Immigration counter sa airport sa HongKong na sakop ng China.
Matapos ang limang oras na pagpigil sa kanya, pinagsabihan si Del Rosario na hindi na ito makapapasok pa ng Hong Kong at tablado ng Immigration Bureau ang diplomatic passport ng dating del Rosario.
Ayon kay Del Rosario, hindi naman ipinaliwanag sa kanya ang dahilan ng pagbabawal sa kanya na makapasok ng Chinese territory.
“After holding me for six hours, they are denying entry. That means that the diplomatic passport is not being honored and they refused to give the reason why”, sabi ni del Rosario sa panayam .
Magugunitang halos apat na oras din ang ginawang pang-iipit ng HongKong Immigration kay dating ombudsman Conchita Carpio Morales sa airport, na katulad ni Del Rosario ay kritiko ng China.
Samantala, tumanggi si Philippine Consul General to Hong Kong Antonio Morales na magbigay ng pahayag hinggil sa pang-iipit sa Hong Kong Airport kahapo ng alas-7:40 ng umaga kay Del Rosario.
Si Del Rosario ay nakaiskedyul na dumalo sa mga pulong ng First Pacific kung saan siya ay isa sa mga board member.
153