PANGINGISDA NG CHINA SA EEZ NILINAW NI PANELO

panelo12

(NI BETH JULIAN)

MAY bagong paglilinaw ang Malacanang kaugnay sa pahayag nito sa pangingisda ng mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa pahayag ni Presidential spokesperson  Salvador Panelo, matapos niyang panoorin ang interview ni Pangulong Rodrigo Duterte at basahin ang transcript nito, lumalabas na ang ibig sabihin nito ay hindi papayagan ng China na mangisda ang kanilang mga mamamayan sa EEZ sa Pilipinas dahil itinuturing nila ang mga Filipino na kaibigan.

Sinabi pa ni Panelo na alam din ng China na kapag ito ay nangyari, magdudulot lang ito ng away na pwedeng magresutla sa isang armed confrontation.

Dahil nais ni Panelo na kumiprmahin kung tama ang kanyang pagkakaintindi ay tinanong pa nito ang Pangulo ukol dito at nilinaw ng  Pangulo na iyon nga ang kanyang ibig sabihin.

Iginiit din ng Pangulo na hindi niya isusuko ang soberenya sa EEZ sa West Philippine Sea.

Dito ay tiniyak ni Panelo na makasisiguro ang mga Filipino na ang mga aksyon ng Pangulo ay alinsunod lahat sa mandato sa kanyang Konstitusyon na pagsilbihan at protektahan ang mga Pinoy.

 

250

Related posts

Leave a Comment