Pangontra sa sexual abuse BABAENG PULIS SA CHECKPOINT

0

KUNG sadyang nais ng Philippine National Police (PNP) na matuldukan ang mga insidente ng pang-aabuso ng kapulisan sa kanilang mga itinakdang checkpoints, panukala ng isang kongresista – babaeng pulis ang italaga.

Gayunpaman, may alternatibo si House strategic intelligence committee chair Rep. Johnny Pimentel, lalo pa aniya’t batid niyang limitado lamang ang bilang ng mga babaeng pulis sa hanay ng PNP.

Giit niya, kung sadyang hindi kayang magdeploy ng all-women police sa mga checkpoint ng PNP, magtalaga ng isa sa bawat lugar kung saan mahigpit ang pagbabantay kaugnay ng patuloy na banta ng pandemya.

“Camp Crame has to put a stop to these horrible police abuses against helpless girls and young women,” ani Pimentel matapos makapagtala ng panibagong kaso ng pang-aabuso ng isang pulis sa checkpoint.

Partikular na tinukoy ng mambabatas insidenteng kinasangkutan ng isang Staff Sgt. Robin Manganga na gumahasa umano sa isang babaeng rider na kanyang hinuli sa checkpoint dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya, sa Mabalacat, Pampanga noong Oktubre 8.

Aniya, marami pang insiteng tulad nito ang naganap bago pa ang kinasangkutan ni Sarhento Manganga.

“In October last year, then Lt. Jimmy Fegcan, the deputy police chief of San Miguel, Bulacan, was accused of raping a 24-year-old woman who was apprehended for a curfew violation and for going out without a quarantine pass,” ani Pimentel.

Hunyo 2020 naman aniya ng gahasain ng mga suspek na sina Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda ang dalawang dalagitang edad 15 at 18 matapos silang mahuli sa curfew violation sa Cabugao, Ilocos Sur.

“The 15-year-old victim was later gunned down and killed by motorcycle-riding assailants while on her way home after following their complaint at the police station,” ayon sa mambabatas.

Bunsod nito, nanawagan si Pimentel sa PNP na huwag ipagkatiwala lamang sa mga lalaking pulis ang pagmamando sa mga checkpoint upang maproteksyunan ang mga kababaihan.

“The PNP has enough female officers to lead checkpoint teams, considering that they now comprise 17 percent of the entire force,” pahabol ni Pimentel. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment