DINEPENSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong government borrowing habang ang bansa ay may outstanding na utang na umaabot na sa P12.09-trillion.
“The government is like a house. Ngayon ang sweldo ko ganito lang, pero may house needs.. the roof is leaking.. o you need another balay. Wala kang pera then you will borrow,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Walang gobyerno sa mundong ito na walang utang…you borrow money if the taxes are not enough for our needs, tapos may gusto kang gawing big projects katulad ng tulay,” dagdag na pahayag nito.
Makikita sa data ng treasury na ang end-February national government outstanding debt ay pumalo na sa P12.09 trillion, 0.5% o P63.828 billion na mas mataas sa P12.029 trillion na naitala “as of end-January.”
Gayunman, sinabi ng Chief Executive na hindi naman masamang manghiram ng pera kaya nga hinikayat nito ang local government unit (LGU) na gawin din ito. (CHRISTIAN DALE)
84