PANIBAGONG PLUNDER CASE VS DIGONG, BONG GO, ATBP. ISINAMPA

SINAMPAHAN kahapon ng panibagong kaso ng pandarambong sa Department of Justice (DOJ) ni dating Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes sina kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Special Assistant to the President nitong si Sen. Christopher Lawrence T. “Bong” Go, Navy Admiral Robert Empedrad at ilang Defense officials.

Kaugnay ito sa P16-billion frigate scam kung saan nagmaniobra umano sina Duterte at Bong Go para paboran ang isang private contractor.

Ayon kay Trillanes, napakaimportante nitong kaso para maging ehemplo sa mga susunod na kontrata ng AFP modernization program na dapat end user at branch of service ang masusunod.

Kailangan aniya sa ground, ang ikabubuti ng ating mga sundalo at hindi ang kagustuhan ng mga kontratista, mga korap sa Malakanyang at Department of National Defense (DND).

Maituturing umanong pinaka maanomalya ang isyung ito dahil nagbigay ng specifications ang Philippine Navy kung ano ang kailangan nilang gamit na idinaan sa bidding process.

Pero nu’ng nanalo na sa bidding, biglang iniba ng kontratista ang mga nakalagay aniya sa napag-usapan.

“At dahil sa kanilang mga kontrata, sina Go at Duterte ay pinilipit ang kamay ng Philippine Navy para lunukin at tanggapin ‘yung mga pabor doon sa private contractor,” ani Trillanes.

Pumalag umano ang Philippine Navy dahilan para sibakin ni Duterte ang dating flag officer in command na si Admiral Ronald Mercado.

Pinatanggal ito sa pwesto at nag-appoint ng isang bata niyang opisyal na willing tanggapin ang anomalous contracts. At dahil d’yan malaki at dumoble ang kita ng private contractor kaya nalugi ang gobyerno.

Magugunitang nauna nang nagsampa ng plunder case at drug smuggling si Trillanes kamakailan sa DoJ laban kina Duterte at Go. (JULIET PACOT)

145

Related posts

Leave a Comment