MARAMI pa rin sa mga Filipino o 78% ang naniniwalang mayroong tinatawag na “ninja cops” sa Philippine National Police (PNP).
Bahagi ito ng resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) simula noong Disyembre 13 hanggang 16 ng nakaraang taon.
Ang ninja cops ay ang mga pulis na sinasabing nagbebenta ng mga nasamsam na ilegal na droga mula sa mga nakumpiska sa bawat operasyon nito.
Sa nasabing survey, pitong porsyento ang hindi naniniwala sa akusasyon habang 15 na porsyento naman ang “undecided” o walang maisagot sa usapin.
Samantala, aabot sa 23 porsyento ng mga Filipino ang nagsabi na “very many” o masyadong marami ang ninja cops sa loob ng PNP; 44 na porsyento ang nagsabing “somewhat many” o marami-rami; 28 na porsyento ang nagsabing “a little” o medyo marami at tatlong porsyento ang nagsabi ng “almost none” o halos wala. (JG Tumbado)
211