PAO CHIEF ACOSTA, DI DAPAT PAYAGANG MAG-REPORT SA TRABAHO

“HINDI ba sampal iyon sa gobyerno?”

Ito ang tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng kanyang panawagan sa Malakanyang at Department of Justice (DOJ) na huwag papasukin sa trabaho si Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta dahil hindi pa ito bakunado.

“Acosta is putting the life, health and safety of her co-workers in danger and that should be dealt with accordingly and decisively,” saad ni Drilon.

Ipinaliwanag ni Drilon na maaakusahan ng double standards ang gobyerno kung papayagan si Acosta na pumasok habang nililimitahan ang kilos ng mga ordinaryong mamamayan na hindi bakunado.

“If the government is serious about its ‘no vax, stay at home; no vax, no ride policy,’ it should apply it to all. Otherwise it will not work,” diin ni Drilon.

“The government should take the same hardline stance against their own officials. Set an example with Acosta,” dagdag nito.

Iginiit ni Drilon na ang pagbabawal kay Acosta na pumasok sa trabaho ay consistent sa polisiya ng gobyerno.

Para kay Drilon, hindi katanggap-tanggap na habang patuloy ang panghihikayat ng gobyerno sa tao na magpabakuna, nananatili namang hindi bakunado si Acosta. (DANG SAMSON-GARCIA)

73

Related posts

Leave a Comment