Para sa maayos at mabilis na distribusyon DILG, LGUs, DBM PINAGHAHANDA SA AYUDA 3

0

KAILANGANG maghanda na ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM) at maging ang local government units (LGUs) para sa maayos at mabilis na distribusyon sa ikatlong ayuda sa 108 million Filipino.

Ito ang iginiit ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr., matapos aprubahan ng House Committee on Social Services at Committee on Economic Affairs ang Bayanihan 3 o Bayanihan to Arise as One Act.

Ginawa ng mambabatas ang kahilingan sa nabanggit na mga ahensya upang hindi na maulit ang mabagal at magulong distribusyon ng ayuda noong nakaraang taon at maging sa financial support na ibinigay ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) Plus Bubbles na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatapos.

“With execution concerns in mind, I ask the Department of Budget and Management and the Department of the Interior and Local Government to start working on draft rules and mechanisms to make sure the proposed Bayanihan 3 funds reach the constituents of our country over 42,000 barangays,” ani Garbin.

Ang Bayanihan 3 ay inaprubahan na sa nabanggit na mga komite at nakatakdang isalang sa House Committee on Appropriation na pinamumunuan ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap para pagpopondo.

Umaabot sa P405.6 billion ang proposed budget ng nasabing panukala at P216 billion dito ay inilaan sa ayuda o financial assistance at social amelioration.

Bibigyan ng P1,000 ang lahat ng mga Filipino, mahirap man o may kaya sa buhay sa unang buwan ng implementasyon ng bansa at panibagong P1,000 pagkatapos ng dalawang buwan.

Mistulang nadala ang mambabatas sa nangyari noong nakaraang taon sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 dahil hindi naging maayos ang distribusyon ng ayuda at matagal pa bago natulungan ang lahat ng mga pamilyang Filipino. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment