PASAWAY NA PULIS MARAMI PA–IMEG

caramat

(NI AMIHAN SABILLO)

AMINADO ang bagong tatag na Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) na marami pa rin ang pasaway sa kailang hanay.

Ayon kay Col. Romeo Caramat, commander ng IMEG, hindi pa rin maubus-ubos ang mga miyembro ng PNP na hindi tinutupad ang kanilang mandato na magpatupad ng batas.

Kaya naman binabalaan ni Col. Caramat ang mga tiwaling mga pulis na hindi nila ito titigilan hangga’t hindi nahuhuli o nauubos ang mga police scalawags.

Sa ngayon, aniya, ay mayroon silang nasa mahigit 1,000 na under validation sa IMEG.

Sa oras umano na makakuha sila ng sapat na ebidensya ay agad nila itong i-ooperate.

Matatandaan na nitong Martes ay naka-score na naman ang IMEG laban sa mga tiwaling pulis matapos maaresto ang isang aktibong pulis mula sa Pampanga Provincial Police Office matapos ang ikinasang entrapment operation.

Isinagawa ang entrapment operation sa kahabaan ng Mcarthur highway sa Bgy Maimpis , San Fernando kung saan arestado si Police Corporal Joeton Samson, dating nakatalaga sa Mabalacat City PNP at ngayon ay jailer ng Pampanga PPO.

 

190

Related posts

Leave a Comment