PASYAL BAWAL PA RIN SA GCQ – JTF COVID SHIELD

MULING nagpaalala ang mga awtoridad upang hindi abusuhin ng publiko ang pagsisimula ng general community quarantine na paiiralin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa mula bukas.

Base sa direktiba ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nagtakda ng mga alintuntunin ang Joint Task Force COVID Shield kaugnay sa galawan ng mga tao sa ilalim ng GCQ.

Ito ay makaraang aprubahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang pagluluwag sa mga pinaiiral na community quarantine restrictions simula bukas (June 1).

Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang mga patakaran ay layunin na paalalahanan at gabayan ang sambayanan hinggil sa health safety protocols na mananatiling pinaiiral.

Sa likod ito ng maling akala na ang implementasyon ng GCQ ay nangangahulugan na libre na ang mga tao na mamasyal at maglakbay gaya ng ginagawa noong wala pang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“As President Duterte repeatedly said, our lives will never be normal again unless the COVID-19 vaccine is discovered and be made available to the public. While the Filipinos and the people around the world are waiting for that vaccine, we appeal for understanding if we still have to restrict some of the freedoms that our people enjoyed before,” paliwanag pa ni PLt. Gen. Eleazar.

Base sa inilabas na guidance ni SILG Año, maaaring lumabas at magbiyahe ang mga tao para sa medical and family emergencies at hindi na nangangailangan ng Travel Authority mula sa JTF COVID-19 Shield sa ilalim ng GCQ kung ang biyahe ay saklaw ng lalawigan o nasa loob ng Metro Manila.

Nilinaw rin nito na ang pagbibiyahe na sangkot ang dalawang lalawigan ay nangangailangan ng Travel Authority mula sa JTF COVID Shield. JESSE KABEL

102

Related posts

Leave a Comment