PATONG-PATONG NA KASO NAISAMPA NA LABAN KAY ALICE GUO

IPINALIWANAG ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano ang mga kasong isinampa laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo.

Sinabi ng tagapagsalita na una nang sinampahan si Guo kasama ang 12 executives ng tatlong magkakaibang kompanya noong ika-20 ng Hunyo ng kasong Trafficking in Persons na kasalukuyang nasa preliminary investigation at isinumite na bilang resolusyon sa korte.

Kasunod nito ay nagsumite naman ng motion to admit counter affidavit ang kampo ni Guo kaugnay ng paghahain nito ng nakaraan niyang affidavit habang wala siya sa Pilipinas.

Nakasuhan na rin ng kasong money laundering nitong ika-30 ng Agosto ang 34 na indibidwal kabilang si Cassandra Li Ong at ang dismissed mayor.

Ang kaso ay isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Ombudsman.

Pinatawan din ng OSG case ang mayor para sa petisyon na kanselahin ang certificate of life birth (Birth Certificate) ng mayor bilang ito ay maaaring kaso ng stolen identity.

Mayroon ding freeze order sa mga asset ni Guo at sa kanilang mga business partner na siyang in-extend ng anim na buwan mula naman sa Court of Appeals.

Paliwanag ni Clavano, ang freeze order ay mas na-extend sa kagustuhan ng mga ahensya na hindi umano magalaw o magkaroon ng dahilan para mapaikot ng mayor ang mga asset at pera nito habang umuusad ang mga kaso laban sa kanya.

Napag-alaman din ang mga asset at 90 bank accounts ni Guo ay mahigit kumulang P7 bilyong piso. Ito rin umano ay maaaring nanggaling sa mga iligal na aktibidad ni Guo na maaaring bunga rin ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Maghahain din ng kaso laban sa mayor ang ahensya ng Commission on Elections (Comelec) sa paglabag sa Section 74 kaugnay ng Section 262 kaugnay ng pagsumite niya ng mga pekeng impormasyon sa kanyang kandidatura bilang alkalde ng Bamban, Tarlac.

Ayon naman kay DILG Secretary Benhur Abalos, ang mga kasong ito ay patunay lamang na ang iba’t ibang sangay ng gobyerno ay may kapasidad na mag-file ng mga kaso laban kay Guo.

Inuna lamang aniya ang mga kaso na may kinalaman kung bakit nasa pwesto ang dating mayor.

Asahan na rin na susunod na magsasampa ng kaso laban kay Guo ang iba pang mga concerned government agencies. (JULIET PACOT)

52

Related posts

Leave a Comment