PAUL SORIANO LIGWAK SA DOT SCANDAL

USAP-USAPAN sa social media ang paghahain ng indefinite leave ni Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.

Naniniwala ang marami na pasakalye na ito sa tuluyang pamamaalam ng direktor sa kanyang posisyon matapos ang eskandalo sa tourism campaign video ng Department of Tourism (DOT).

Magugunitang, Hunyo 27 ay inilunsad ng DOT ang bagong tourism slogan ng Pilipinas na kapalit ng “It’s More Fun in the Philippines.”

Sa unang pahayag, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco, P49 milyon ay ginamit para sa paglikha ng logo, pagsasagawa ng global, regional, at local studies, at iba pang komponent ng kampanya.

Matapos mabisto na hindi mga lokasyon sa Pilipinas ang mga ipinakita sa video kundi stock footages ng iba’t ibang bansa, sinibak ang ad agency na DDB Philippines ngunit para sa netizens, hugas-kamay lamang ang mga opisyal ng DOT sa pangunguna ni Frasco.

Itinanggi rin ni Frasco na may ginastos ang pamahalaan sa naturang promotional video.

Sa kasagsagan ng kontrobersya, lumutang ang pangalan nina First Lady Liza Marcos at Soriano na nakialam umano sa proyekto na lalong nadiin nang lumabas ang litrato na kasama sila sa meeting sa DOT.

Sa 2nd SONA ni Marcos ay kapansin-pansin na wala si Soriano at hindi rin ito ang namahala kundi ang RTVM. Taliwas ito sa naunang anunsyo ng House of Representatives na si Soriano pa rin ang magdidirehe sa SONA.

Sa kumpirmasyon ng Malacañang, naka-leave sa trabaho si Soriano dahil sa personal na dahilan.

Kasunod nito, nagbigay ng kani-kanyang opinyon ang mga netizen sa pinaniniwalaan nilang dahilan ng pagbabakasyon ni Soriano.

Mayroon pang nang-okray na mag-apply na lang daw bilang creative communications officer ni Biden si Soriano tutal Amerikano naman siya.

Komento naman ng isa pa, piso ang sweldo [sa gobyerno] ni Soriano pero daang milyon ang allowances at project.

Basahin ang iba pang komento ng netizens sa isyung ito:

Perfecto Junjun III Bragais:
Replying to
@MacLopez769
Your statement also begs the question: Who is making Paul Soriano the fall guy in the “FIASCO” in the DOT? Indeed, why is he, of all people, being targetted as the fall guy in the first place?

Gao Xi Shong:
Leave? Or nagpapalamig tapos biglang resigned. Hahahaa fiasco nila ni Frasco yung DOT logo. Sure yan.

Oteke Oppa:
Naku Norway din baka dun ang hatian ng kunwari 49M pero 50M nmn

chopstick:
Kala ko ba untouchable yan, anyare??? Buti nman ng mabawasan epal na kalat sa gobyerno

Mixed Nuts:
No loss. Why are we even giving him a salary is he not an US citizen? Maybe he can apply as Biden’s creative communications officer?

Jessie Severino:
The 1st casualty of the DOT fiasco.

Simplejoyz:
Sya ba yung Piso ang sweldo? Pero daang Milyon ang allowances at projects??

Baby Ehmz:
Dahil yan sa pagsawsaw nya sa love the philippines, kaya yan nag leave the philippines na sya

Felamag:
Dami na yatang palpak, palamig muna habang tuloy tuloy naman ang suweldo.

Ajax Tartaglia:
Iiyak na rin yan tulad ni La Oro at Beverly.

Mae Octaviano:
Because of the DOT stock footages fiasco. Sya talaga yung behind that one. Kaya ayun nawala na tiwala at fired na sya ni PBBM.

lesyeuxdejuno:
Leave o nasibak? Bobo kase WAHAHAHA!

polarfrost:
Pag May perang involve bigla na lang silang Nawawala Tapos nalalaman mo na lang next year Sa report ng COA na inaaccount yung perang involved. Hay Pilipinas ang hirap mong mahalin … magtitiis habang May hininga

Jojo Clemente:
Tsk tsk…it’s all catching up now, isn’t it?

max:
in the PH we don’t resign, we take leaves due to personal reasons and then disappear silently into the night

KidAtHeart:
Laglagan na ba? G!

Joketerte:
Balita tsupi na sya dahil sa palpak na video ng LOVE the PH

Martin SNORT:
At the end bbm can’t fire fiasco dahil takot sa nanay nyang butangera.

Road&Trail DonLuchzo Hampaslupa:
Pano na abswelto si fiasxo?

Gao Xi Shong:
Hahaahhahahaha ganyan daw kasi talaga magtrabaho yan si Paul. Ang utak ng mga production nila madalas staff pa nya tapos sya pa yung cause ng derail sa mga naplano. Hindi talaga magaling na direktor yan. Ganyan siya magtrabaho. Parehas sila magtrato ng asawa nya sa mga tao

345

Related posts

Leave a Comment