(NI DAHLIA S. ANIN)
IBINIGAY Huwebes ng umaga ng gobyerno ng Japan ang dalawang 12 meter high speed boat sa Philippine Coast Guard.
Personal ang pagturn-over na ginawa ni Ambassador Koji Haneda, ambassador of Japan to the Philippines kay PCG Commandant, Admiral Elson E. Hermogino.
Ang mga speed boats na ito ay lalayag sa Timog na bahagi ng ating bansa para labanan ang mga pirata at terrorismo. Gagamitin din ito sa mga anti drugs operation lalu na’t ilang floating coccaine na ang nakita sa karagatan ng bansa.
Ang mga speed boats ay may bilis na 50 nautical miles per hour at kayang magsakay ng walo katao.
Lubos na nagpapasalamat si Admiral Hermogino sa gobyerno ng Japan dahil sa pagtupad nito sa hiling ni Pangulong Duterte na magsama ng speed boats sa anti-terrorism package sa ilalim ng Japan’s Grant Aid for Social and Economic Development Program para sa bansa.
157